paghanga.
“Hindi ka naman talaga importanteng tao sa buhay ko, pero dahil kulang ako sa inspirasyon at dahilan para gawin ang mga bagay na kailangan at dapat kong gawin, ikaw ang nakita ko na maaaring magtulak sa akin para kumilos at gampanan ang mga dapat kong gampanan.Hindi naman kita gusto at higit pa kung mahal. Tanging paghanga lamang ang aking nadarama. Ngunit dahil sa idinudulot mong mga ngiti na matagal ng nakatago sa puso ko, ikaw ay napapalapit kahit hindi nararapat. Hindi nararapat dahil simpleng paghanga lamang na hindi ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa iyo aking kaibigan. Inaamin ko na wala ka talagang ginagawa para maramdaman ko ito. Talagang sinadya ko ito para lamang may mapagbuntungan ng pansin at kahit papano ay magkaroon ng kulay ang buhay kong paulit-ulit lang. Ang kaso lamang, kung minsan ay nagsasabi ka ng mga bagay na sobra kong ikinatutuwa at nagbibigay sa akin ng pag-asang mayroong patutunguhan ang ating pagkakaibigan, ngunit kung minsan ay bigla ko na lamang maiiisip na “Oo nga naman, naglolokohan at nagbibiruan lang kami.” Hindi ko dapat seryosohin ang bawat sasabihin mo, hindi dapat ako maging masaya sa bawat mangyayari sa atin dahil alam kong sadyang ganoon ka lang at malabong ito ay magkatotoo. Ipagpatuloy lang natin ang ganitong sitwasyon habang ito ay masaya at nagbibigay ng aliw sa ating dalawa. Huwag lang sana akong mahulog habang tayo ay naglalakad at baka hindi mo ako masalo. “
~ I just read this composition in a piece of paper, ripped from a notebook and crumpled. I would just like to share this with you. This goes to all ladies/ gentlemen who have their so called –CRUSHES. This is the first Filipino post in my blog. I hope you’ll like it.
Posted by: Dianne Peña | 03-06-2008 | 05:03 PM
Posted in: Rhapsodies



