Mga sagot sa mga pilosopong tanong.

May natanggap akong mensahe na galing sa aking kaibigan mga ilang buwan na ang nakakalipas, itinago ko itong mensahe na to dahil nais ko siyang sagutin. Hindi ko alam kung ako’y matatawa o maiinis. Hindi naman ako KJ na tao, wala lang gusto ko lang mang-asar at mamilosopo din. (Ang wirdo noh?) At dahil ngayon lang ako nagkaroon ng panahon… Naisip kong ito na ang aking pagkakataon para sagutin ang mga pilosopong tanong na ito.

Ang lason ba pag nag expire nakakalason pa rin?
-Naisip ko lang, mayroon ba talagang “LASON” na naimbento at ibinebenta sa mga tindahan o sadyang may mga kemikal lang na nakakalason at nakamamatay? Isipin mo kapatid. Malamang lahat ng bagay na expired na ay nakakalason, ito siguro ang dahilan kaya naimbento ang salitang LASON. Sa aking palagay, wala naman talagang LASON na LASON.

Bakit pag close kayo, open kayo sa isa’t isa?
-Close, ibig sabihin ay malapit kayo sa isa’t isa at Open naman, ibig sabihin na malaya kayong nakakapagsabi ng saloobin, mga bagay na naiisip o mga sikretong nais mo lamang ibahagi sa kanya. Mayroon kasing mga salita na hindi literal ang dapat na pagkakaintindi.

Pwede bang maglagay ng dinner o breakfast sa lunchbox?
-May punto ka sa iyong tanong kapatid. Ngunit naisip ko lang, hindi naman madalas na binabaon ang breakfast at dinner sa eskwela o trabaho kaya siguro naimbento ang lunchbox dahil yoon ang kadalasang ibinabaon natin.

Kapag ang sabon nadumihan, kailangan pa bang sabunin para linisin?
-Ako’y natawa sa iyong tanong kapatid. Naalala ko ang lesson namin noon sa Primary Health Care, partikular ang paghuhugas ng kamay, sabi saamin, “Soap is an emulsifying agent that could remove dirt in your fingers with the help of friction…” ang hirap tagalugin… tsk! Siguro kailangan mo na lang itapat yung sabon sa umaagos na tubig tapos kuskusin mo ng iyong kamay. LOL!

Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
-Eto nanaman tayo sa usapang sabon. Natawa nanaman ako sa pangalawang pagkakataon. Napagaralan din namin sa Primary Health Care na ang ipis ay isang peste na nakakapagdulot ng sakit. Ito ay sumusuot kung saa-saan at nakakapagdala ng sakit kapag ang mga bagay na siyang dinaanan o nadapuan ay hindi nalinis. Kaya sa pagkakataong ito, ang aking sagot diyan ay dudumi ang tubig.

At eto pa..
If you expect the unexpected, wouldn’t the unexpected be expected? Ö

-Actually, the statement above is one of my philosophies in life. Indeed, the unexpected is the one being expected for that matter.

Sa aking mga mambabasa, sana’y kayo’y nalinawan at hindi nalito. Sa mababaw na pananaw ito’y nakakatawa pero kung babasahin mo ito, parang nais lang talagang magsayang at magflood sa text. Mga tao talaga… walang magawa, tulad ko. tsk.

Posted by: Dianne Peña | 10-21-2008 | 03:10 AM
Posted in: Blurbs | Rhapsodies

13 Comments »

  1. I was reading over your site and like what I saw. I just wanted to say keep up the good work.

    Comment by Jenny R. — December 8, 2008 @ 11:21 pm
  2. I really liked your blog. Very useful information, I read it detail, also book-marked it and will be back in the future to read some more of your interesting posts ! keep up the good work. :)

    Comment by Cesar Moves — December 9, 2008 @ 7:55 am
  3. gawa pa po kayo..

    Comment by lomn — May 14, 2009 @ 10:23 am
  4. hahahahahah…….xD

    Comment by mz. unknown — November 23, 2009 @ 4:05 pm
  5. hi poh ang ganDa pOh nG mgA tAnonG niO…nakakaFuNNy

    Comment by sammy — December 23, 2009 @ 9:28 am
  6. oo nga naman…mas maganda pag marami pa kayong miasulat…

    Comment by teejae262009 — December 30, 2009 @ 10:29 pm
  7. Nakikita ba ang WALA?
    Kasi nung tinanong ko yung kaibigan ko kong ano ang nakita nya sa CR nung naliligo yong ate ko… ang sagot nya ay… “WALA!”

    Comment by samuel remolin — March 17, 2010 @ 11:41 am
  8. ang cornie!!..

    peo uk lng aman e..

    Comment by eL"bholeroxzs — September 11, 2010 @ 8:54 pm
  9. Hi, its my first to see this site! And natatawa aq kc yan din mga katanungan na n00n q pa tinatan0ng sarili q at aftr so many years, ngkar0n me ksagutan at idea..hahaha. S0 cool. Well my 2 pa katanungan aq na gumugulo sa aking isip.. Please pakisagot ha?
    + Kapag ang uod namatay, uuudin din ba?
    +Puwede ba tay0ng humatsing na hindi pipikit?
    Well, an0 poh b kasagutan s mga e2? Thankz a lot at kip up d gud w0rk!

    Comment by Chanelle Shandy — September 21, 2010 @ 7:06 pm
  10. bkit ang bakla dumadami nanganganak ba sla kung hindi bkit sla dumadami?

    Comment by mariell soliva — October 24, 2010 @ 7:31 pm
  11. i like it po….. sana po makagawa pa kayo…. natutuwa ako, nkakakkuha ng info…hahah… LOL.

    Comment by joy — April 21, 2011 @ 8:58 pm
  12. ahahah.. nakakatawa tlaga.. nkakawala ng pagod! weew

    Comment by charlotte — June 24, 2011 @ 6:59 pm
  13. Its nice to be here in your page…till next time :)

    Comment by asawa ni luhan xi — April 17, 2014 @ 4:59 pm

Comments RSS TrackBack URI

 

Leave a comment