para na po…

Sa wakas, isang araw, nakatakas ako sa mga alaala mo
Sa wakas, balik na ako sa nakasanayang buhay ko

Masaya dahil akala ko ok na,
Pero bakit pag dating ng gabi hanggang sa pagpikit ng aking mga mata’y biglang nagbago ang lahat

Biglang nabuhay ang alaala mong nagdulot ng panghihinayang… ng pagkalumbay…
Biglang naitanong sa sarili, ganoon na lang ba ang kahihinatnan ng isang akala ko’y magandang pagsasamahan?

Sadyang ganoon lang ba ang tadhana o hindi lang talaga handa?

Sana’y hindi na lang nagtanong
Sana’y hindi nagduda
Ngunit anong magagawa ng isang pusong takot at nangangamba?

Sayang puso’y sabik magmahal ng tapat at totoo
Na inakala’y magkakaroon na ng magandang pagkakataon

Hanggang dito na lang ba o dapat pang umasa
Hanggang dito na lang ba o dapat ng limutin

Mahirap dahil minsa’y naging masaya
Mahirap dahil ako’y may nararamdaman na

Siguro nga’y dapat na itong itigil dahil mali sa mata ng nakararami
At marahil kalokohan lang ang lahat sa atin

Posted by: Dianne Peña | 03-28-2009 | 12:03 AM
Posted in: Belles-Lettres | Comments (1)

Sayang o.

Sabihin mo lang na ayaw mo akong mawala, hindi ako aalis
Sabihin mo lang na totoo at seryoso ka, hindi ako matatakot
Sabihin mo lang na aalagaan at di mo ko sasaktan, magtitiwala ako
Sabihin mo lang kung anong totoo mong nararamdaman, di ako magdududa
Sabihin mo lang eh…
Pero di mo sinabi, kaya natalo ako dun
Gusto kita, mukha ng patay na patay… mukha ng naghahabol…
Hindi ko ito dapat ginagawa…
Ayoko masayang yung minsang magpundar ako ng nararamdaman
Siguro talo ka dun dahil sa minsang nagpundar ako ng ginto, ginawa mo pang bato
Seryoso ako, siguro di ganun ang hanap mo
Sayang lang, naging masaya pa naman ako
Akala ko ito na yung hinihintay ko
Nagkamali nanamanan ako…
Naisip ko, tao nga talaga ako…

*para naman maupdate itong blog na to…:]]

Posted by: Dianne Peña | 03-28-2009 | 12:03 AM
Posted in: Belles-Lettres | Comments (0)